Newbie
  • Pag may 3 notes, masaya na
  • May nag- unfollow, parang namatayan
  • Naireblog ang post, wow! baka maging famous na
  • Nadagdagan ng isa ang followers, naiiyak na sa saya
  • May nag- TA, buo na ang araw nya

Ganitong- ganito ang pakiramdam ko nung bagong salta pa lang ako sa Tumblr. Pag nag post ako tas may lumabas na notes, grabe! Yung feeling na parang napapabilib ka sa sarili mo kasi may napansin na sa post mo. Tas yung mga unfollowers, iilan na nga lang ang followers eh may mag- unfollow pa. Ang sakit nun sa damdamin, kaya minsan nakakawalang- gana magTumblr, lalo pag baguhan pa. Pag naman nadagdagan ng follower, sobrang saya. Mapapaisip pa na “nakarelate kaya sya sa posts ko?” “kakausapin kaya ako nito?” “sana madagdagan ulit ang followers ko”. Tapos pag may nagTA, parang maninibago pa. Tatambay agad sa blog nung nagTA.

Tagged as: newbie,